note: this blog was written on my way to naia...
Taxi!!!
Marahil ang ilan sa atin ay naka experince nang sumakay ng taxi.. At hindi madali ang pag para sa kanila.
Q: Naranasan mo na bang pumara ng taxi... na matapos kang hintuan at malaman ang iyong destinasyon ay bigla ka na lang tatanggihan?
A: ako rin! (I'll use PNoy's line)
Naalala ko tuloy ang taxi experience ko sa Cebu, doon... hindi lalagpas ng limang minuto masasakay ka na ng taxi... kahit saan pa ang destinasyon mo go lang... Wala halos tanggi.
Pero sa Manila, sobra, pag ma-trapik ang pupuntahan mo, sa malamang wala kang makuhang taxi... Malamang ma miss mo ang flight mo kung papunta ka ng airport, o kaya ay mahuli sa meeting mo.
Kung nagkataon na may pumayag man... Kontrata ito... Sa malamang hindi na mag metro.
Maraming pagkakataon nang nangyari ang ganito sa akin...
At eto lang ang masasabi ko...
Ang choosy mo kuya!!!
Hindi ko maintindihan pero bakit ang karamihan ay abusado?
Pareparehas naman tayung pilipino na napapagod para mabuhay...
There are no easy way to survive. at walang madaling trabaho. Ever!
Iba iba lang cguro ng level ng pagod or stress sa buhay yan.
akala ko pa naman public transport... E bakit may tumatangi...
Panu kung doktor yan perse... At hindi ka gagamutin kc hassle sa kanya. Anung mararamdaman mo?
As far as I know it is public service, so i guess dapat walang maarteng driver... :b
Nagbabayad naman ng tama ang mga parokyano nyong pasahero.
Sa isang banda...
Pero nagpapasalamat ako sa lahat ng Taxi Driver na matiwasay na naghatid sakin sa aking paroroonan (esp. sa Pasig)
Nagpapasalamat rin ako sa lahat ng mabubuting driver na walang alintana sa trapik...
Sana dumami pa ang katulad nyo...
1 comment:
kung kelan ka nagmamadali tsaka ka naman makakatapat ng taxi na nangongontrata with matching "boss traffic kasi sa -insert.name.of.place.here-." tapos pagdating mo dun sa lugar hindi naman traffic. nakopow!
Post a Comment