Pages

Monday, March 31, 2014

Invisibility cloak

Kung si Harry Potter merong Invisibility Cloak... Si Jillian merong fluffy kind of sheet (kumot). Kapag antok na antok na cya ihiga or ipayakap mo
Pang ito sa kanya paniguradong makakatulog na cya... Hilig nya din na ito'y ngasabin hanggang sa makatulog na cya... Ewan ko ba kung anong meron sa kumot na ito... 

Anung kinalaman sa titulo ng entry na ito? Kung ang invisibility cloak ni harry potter pag sinuot nya hindi mo na cya makikita... Ang fluffy kumot ni Jillian pag ginamit niya tiyak na hindi mo na siya makikitang nagkakalat sa kwarto kasi nahimbing na siya ng tulog... 

Ayun yon... Mai-konek lang. Lols... 

Jillian & Her fluffy kumot: 






Jillian @ 10months


Ambilis ng panahon... 2 months na lang 1year old na aking prinsesa... 

This time na miss ko na ung mga panahon na new born cya. Sobrang na-mimiss ko. Pero na enjoy ko naman ngayon na almost toddler na cya. 

Jillian started to stand fast and started to walk... Pero gabay-gabay... Ang bilis na nya gumapang. At natuto na siyang mag tantrums. 

Every minute spends with her is priceless.. Kahit nakakapagod kasi ambigat na nya... Masaya pa rin. Laging masaya... Sakop nya ang buong kama pag natutulog cya. Pero paborito ko cyang panoorin habang natutulog... Paborito ko rin ang shower time with her... Sa ayaw at sa gusto nya kami ang bestfriend for life...