Pages

Wednesday, November 3, 2010

Para kanino ka gumigising?

Hindi ko alam kung bakit at biglang nawala ang interest ko sa maraming bagay.
First to second quarter of this year, busy akong mag aral ng Cisco.
I was able to pass the exam (CCNA) then suddenly a 'lost of interest'.
Nagising na lang ako isang araw na wala na akong gustong gawin sa buhay ko.
O kung meron man e hindi ko magawa.
Hindi ko alam kung anung negatibong enerhiya ang aking nasagap.
Marahil ay dulot ito ng mga samu't saring bagay at pangyayari sa aking buhay.

Sana matagpuan ko nang muli ang dating ako.
Ang ako na papasok pa lang sa trabaho e alam na ang gagawin ko sa buong araw.
Ang ako na hindi napapahinga kaka review nang kung anu-ano.
Ang ako na aral ng aral hanggang sa dumugo na ilong ko at mapiga ang lahat ng mapipiga

Marahil ay kailangan ko nang ibang kapaligiran.
Marahil ay kailangan ko ng isang masarap na tulog. :)
Marahil ay kailangan kong makahanap ng dahilan para masiglang gumising tuwing umaga.

Ika nga sa isang commercial…
'Para kanino ka gumigising?'

Ikaw? Para kanino ka gumigising?

No comments: