Una kong narinig ang salitang 'KAPAK' sa aking ina.
Dito daw inihahambing ang isang taong maganda ang panlabas na anyo, ngunit pangit ang kalooban...
Ang isang taong mapustura... pero burara sa bahay...
Bakit kamo: ang isdang ito raw ay maputi ang panlabas na anyo pero pag binuksan mo ang loob ay burak ang laman... Sa totoo lang hindi pa ako nakita nito! ;) haha
Sabi nga sa isang tula:
Para ng isdang kapak
Na ang labas ay pilak
At ang loob ay burak.
***
Nais kong ibahagi ang ilan sa mga bagay na natutunan ko saking ina... Na marahil ay alam naman na ng ilan sa atin.
1. Di bale nang luma ang damit ko basta ito'y malinis at bagong laba. (tama!)
2. Di bale nang tuyo ang ulam ko... basta hindi galing sa utang!
3. Kelangan laging mabango at malinis ang bahay....(nakakapagod!)
4. Kelangan ubusin ang laman ng iyong pingan, ultimo isang butil ng bigas dapat ubos.. kung baga.. simo't sarap!
5. Kahit anung ihain sa hapag kainan, kumain at wag mag reklamo! (hindi kami mayaman...)
6. Matutong mag recycle.
7. Ihiwalay ang di-kulay sa puti pag nag lalaba... dapat color coordinated!
8. Ugaling mag dasal bago at pag katapos kumain/matulog/mag-travel... at kung anu anu pa. in short... Always Pray!
9. Ugaling mag walis ng bahay... (mula nung bata ako naka-ugalian ko na na humawak ng walis at mag-walis pag kagising, minsan nga mas nauuna pa akong mag walis kesa mag tooth brush at maghilamos!)
10. Malalaman mo raw kung malinis ang isang tao kung malinis ang kanyang... banyo!
11. Mag-mano sa mga nakatatanda. Ugaling sumagot ng Po at Opo.
12. Mag-mahalan daw kaming mag kakapatid, kasi madalas kaming mag away...
13... to be continued....
***
No comments:
Post a Comment